Patuloy ang pagbubuga ng abo ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala sila ng apat na pagyanig sa palibot ng bulkan sa loob ng nakalipas na 24 oras.

Ayon sa ahensya, aabot sa 7, 000 metrong taas ng abo ang ibinuga ng bulkan na nakaapekto sa mga barangay ng Sag-ang sa La Castellana, Ara-al at Yubo sa La Carlota City, at Ilijan sa Bago City, Negros Occidental.

Pasado 7:00 ng gabi ng Miyerkules nang magbuga ng abo ang bulkan na tumagal ng 25 segundo at lumikha ng maliit na bushfire sa tuktok ng bulkan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaugnay nito, nagbabala ang Phivolcs sa publiko na wala pa rin silang pinahihintulutang pumasok o lumapit sa permanent danger zone sa loob ng 4-kilometer radius ng bulkan. (Rommel P.Tabbad)