V(AFP) – Ipinakilala ng Google ang bagong landline telephone service na naglalayong tulungan ang mga consumer na manatiling konektado sa Internet cloud.

Ang bagong Fiber Phone service ay unang iaalok sa ilang US market at kalaunan sa iba pang mga lungsod na may high-speed Internet ang Google.

Idinagdag sa bagong landline ang ilang high-tech features, gaya ng transcribing voice mails at paghahatid sa mga ito bilang written messages, at pagkokonekta sa mga mobile phone kapag malayo ang consumer.

“While mobile phones have pushed us toward the future, home phone service is still important to many families,” sulat ni John Shriver-Blake ng Google sa isang blog post

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'