Ginapi ang National University ng University of Sto. Tomas sa four set para masungkit ang playoff slot para sa Final Four ng UAAP Season 78 men’s volleyball champiomship kahapon sa The Arena sa San Juan.

Matamlay ang simula ng Bulldogs, runner up sa nakalipas na taon, ngunit matikas na bumangon sa mga sumunod na set tungo sa 25-27, 25-19, 25-18, 25-21 panalo.

Bunsod ng panalo, nahila ng NU ang karta sa 8-4, habang nalagay sa alanganin ang kampanya ng UST.

Nanguna si Madzlan Gampong sa naiskor na 20 puntos, tampok ang 18 atake, habang kumana sina James Natividad at Kim Malabunga ng tig-14 kills.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Bagsak ang Tigers sa ikatlong sunod na kabigun para sa 4-8 karta para malagay sa alanganin ang kampanya na makasikwat ng playoff.

Nanguna si Manuel Medina sa Tigers na 14 puntos, habang tumipa sina Jason Sarabia at Tyronne Carodan ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod. (Marivic Awitan)