KEY BISCAYNE, Florida (AP) — Sa loob ng 20 minuto, nawala sa paningin ng mga tagahanga si Serena Williams.
Aburidong nilisan kaagad-agad ng Grand Slam champion ang venue matapos masibak sa ikaapat na round nang pabagsakin ni Svetlana Kuznetsova, 6-7 (3), 6-1, 6-2, nitong Lunes (Master sa Manila) sa Miami Open.
Ang kabiguan ang pumutol sa 20-match winning streak ni Williams sa Key Biscayne at pinakamaagang pagkasibak sa torneo mula nang matalo kay Jennifer Capriati noong 2000 sa fourth round.
Target ni Williams ang ikasiyam na titulo sa torneo at ikaapat na sunod ngayong taon.
“I did the best I could,” pahayag ni Williams sa post match news conference na tumagal lamang ng tatlong minuto.
“I can’t win every match. These players come out and play me like they’ve never played before in their lives. I have to be 300 percent every day.”
Sa kabila nito, nanatili si Williams, 34, sa No. 1 sa world ranking.
“She’s still No. 1, and she still plays great,” pahayag ni Kuznetsova. “I don’t see much to be depressed about.”
Bukod kay Williams, nasilat din si No. 2 Andy Murray kontra No. 26 Grigor Dimitrov, 6-7 (1), 6-4, 6-3, sa men’ singles match.