GUIMBA, Nueva Ecija - Isang 49-anyos na mister ang nagbigti sa kusina ng kanilang bahay dahil sa nararanasang matinding depression sa Barangay Bantug sa bayang ito, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ng Guimba Police ang nagpatiwakal na si Edgar Francisco y Fiesta, na nadiskubre ng kanyang stepdaughter sa pagkakabigti sa kusina dakong 5:00 ng hapon sa kanilang bahay sa Bgy. Bantug.

Mag-aalas tres ng hapon nitong Linggo nang huling nakitang buhay si Francisco makaraang dumalo sa isang reunion sa Bgy. Catimon sa Guimba.

Ayon sa asawang si Jocelie Francisco y Alano, madalas umanong sabihin sa kanya ng asawa ang, “Gusto ko nang magpakamatay, nagsasawa na ako sa ganitong buhay.” (Light A. Nolasco)

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman