DAVAO CITY – Hinihimok ni North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza ang naging bisita sa Mt. Apo Natural Parkm (MANP) na responsable sa forest fire sa Mt. Apo na maglakas-loob na lumantad at aminin ang pagkakamali.

“And whoever has any information on the person or persons responsible for this, I urge you to come forward and provide the authorities of such information. This would be helpful in identifying those who should be held accountable for this abominable act,” sabi ni Mendoza.

Sa kanyang pahayag kaugnay ng forest fire sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas, nilinaw ng gobernadora na nagpalabas na ang pamahalaang panglalawigan ng mga polisiya, patakaran, at regulasyon upang mapanatili ang ganda ng MANP.

Dagdag niya, dahil sa umiiral na El Niño phenomenon, hindi kailanman nagkulang ang pamahalaang panglalawigan sa pagpapaalala sa mga Cotabateño at mga turista na maging maingat at responsable sa kanilang mga ginagawa sa parke.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Thus, cooking and eating in the Asik Asik falls complex have been prohibited. Also, there are monitors and guidelines set for our New Israel zipline facility. And in the Mt. Apo National Park, the City Government of Kidapawan has regulated its climbing season and has issued its climbing rules to be followed,” paliwanag ni Mendoza.

“Notwithstanding having all these in place, there are just some people who do not care or who could not follow and obey these policies and rules.”

Ito ang naging pahayag ng gobernadora matapos maraming netizens ang magalit sa insidente, at sinisi ang kapabayaan ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapahintulot pa rin sa trekking kahit na may El Niño.

Sabado pa nagsimulang magliyab ang tuktok ng Mt. Apo at kumalat na ito sa mahigit 100 ektarya ng bundok.

Kinumpirma kahapon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 11 na nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa mga lokal na pamahalaan at sa Indigenous Cultural Communities (ICCs) sa paligid ng Mt. Apo para tuluyang maapula ang apoy at matukoy ang lawak ng pinsala, sa tulong ng Philippine Air Force (PAF), Bureau of Fire Protection (BFP), at Office of the Civil Defense. (Alexander D. Lopez)