Pinagtibay ng House Committee on Revision of Laws ang panukalang nagdedeklara sa Nobyembre 13 bilang pista opisyal (special non-working holiday) sa Pangasinan, na tatawaging “Speaker Eugenio Perez Day”, bilang pagbibigay-pugay sa unang Pangasinense na naging Speaker ng House of Representatives.

Ipinasa ng komite, na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Marlyn L. Primicias-Agabas, ang House Bill 6429, na ipinalit sa HB 5427 na inakda ni Pangasinan 2nd District Rep. Leopoldo N. Bataoil bago nag-adjourn ang Kongreso kamakailan.

“Declaring November 13 as a special non-working holiday in Pangasinan will give the Pangasinense an opportunity to honor the late Speaker Perez who did so much for the province,” ani Bataoil.

Ayon kay Bataoil, 1926 nang pasukin ni Perez ang pulitika matapos mahalal na konsehal ng San Carlos, Pangasinan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Makalipas ang dalawang taon, nahalal siyang miyembro ng Philippine Legislature bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pangasinan.

Sumapi siya sa Liberal Party noong 1946 at nahalal na Speaker matapos pulungin ang Unang Kongreso ng Pilipinas.

(Bert de Guzman)