Joshua, Bimby at Kris copy

NAG-LAST EPISODE ang KrisTV noong Miyerkules Santo at ilang araw pa lang ang nakalilipas ay miss na miss na si Kris Aquino ng supporters niya.

Nagbabakasyon ngayon sa Hawaii, USA si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Hindi man binanggit ng Queen of All Media sa kanyang latest posts sa kanyang social media accounts kung nasaang bansa sila, kita sa pictures na bumalik sila sa Hawaii at may mga nagkomentong followers niya na naroroon nga sila. Sa Hawaii din ang huling bakasyon nila last year.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa mga kuhang larawan ng mag-iina, kita ang malaking hawig ng Hawaii sa Pilipinas dahil sa mga punong luntian na nagpapaganda sa paligid at mga bulaklak ng bougainvillea

Anyway, the feeling is mutual kasi hindi naman supporters lang ang nakaka-miss kay Kris dahil nami-miss din niya ang showbiz. Katunayan, hindi pa rin niya napigilang mag-post para malaman ng followers niya kung nasaan siya.

Sabagay, nangako naman din siya na magbibigay siya ng updates tungkol sa health niya ngayong stress-free na siya.

Noong Maundy Thursday ang unang post ni Kris na kuha sa mga glass art sa simbahan, ang caption niya: “The song is Hillsong Worship’s ‘This I Believe (The Creed)’... Have a meaningful, faith enriching Holy Week. God bless us all w/ peaceful hearts.”

Black Saturday naman, ang caption niya sa mga picture na naglalakad sila sa parks at tabing-dagat: “I said I’d give you updates during my wellness vacation. We toured here early this week -- unfortunately the boys & I had a bad allergic reaction to the high pollen count & we all had sinusitis & sore throats until Wednesday. (Update #1),”

Sabado de Gloria rin niya ipinost ang photos na kuha habang namamasyal sila sa lugar na napakaraming mga puno:

“Walking, enjoying the fresh air, and our family bonding. (Update #2) #MyWellnessJourney.”

Noong Linggo, kuha naman sa kanilang mag-iina nang manood sila ng pelikulang Batman vs Superman: Dawn of Justice.

“We watched Superman vs Batman: Dawn of Justice yesterday. I think I enjoyed even more than my 2 boys.#wonderwomanfangirl.”

Kinagabihan ay dumalo naman sila ng Easter Sunday Mass: “Tonight we attended the faith inspiring Easter Vigil Mass.

My 2 were a bit freaked that the Church was dark for the 1st 45 minutes, but the choice of songs of praise & worship made the 2 hours feel just right.

“HAPPY EASTER TO ALL. God bless you. Let’s celebrate our Risen Lord & Savior Jesus Christ. (Bye for now IG Friends, I’ll focus on my sons & #MyWellnessJourney.”

Halatang nag-i-enjoy si Kris kasama ang dalawang anak sa lugar na kinaroroonan niya. Ang tanong ng followers niya ay kung hanggang kailan kaya sila mananatili sa Hawaii. Doon din nga kaya magsi-celebrate si Bimby ng ikasiyam na taong kaarawan sa Abril 19? (REGGEE BONOAN)