TANAUAN CITY, Batangas - Isang highly explosive bomb ang natagpuan sa isang farm sa Tanauan City, Batangas.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:00 ng gabi noong Marso 25 nang mapansin ng mga residente ang bomba sa farmlot na sakop ng Barangay Wawa sa naturang lungsod.

Tinukoy ng mga awtoridad ang bomba na 105mm, na nasa kostudiya na ngayon ng Bomb Squad para sa tamang disposisyon. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog