Marso 28, 1979 nang masira ang Unit-2 reactor sa Three Mile Island, Pennsylvania.
Tumaas ang temperatura sa primary coolant ng istruktura, dahilan upang mamatay ang reactor. Hindi isinara ang relief valve at nasira ang sentro nito matapos umapaw ang radiation-filled cooling water sa mga kalapit na gusali.
Binuhay ang mga emergency cooling pump, ngunit namali ng pagkakaunawa ang control room personnel, at pinatay niya ang emergency water system. Mas lalong uminit ang lalagyan ng gasolina at nasira ang fuel rod.
Regular na binubuksan ng mga operator ang vent valve sa reactor cooling system pressurizer mula Marso 30 hanggang Abril 1, sa takot na sumabog ang hydrogen bubble. Mahigit 100,000 katao ang inilikas sa mga karatig-lungsod.
Itinatag ang nasabing reactor upang mabawasan ang epekto ng kakapusan sa kuryente noong 1970s.