Tuluyan nang magsasanib-puwersa ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagtugis sa mga big-time tax evader sa bansa sa pinaigting na kampanya laban sa mga nandaraya sa buwis.

Sinabi ni Senior Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng PNP Cybercrime Group (ACG), na ang kanilang pagtulong sa operasyon ng BIR ay pinagtibay ng kasunduan na nilagdaan ng dalawang ahensiya, na pinamunuan nina PNP chief Director Gen. Ricardo Marquez at Commissioner Kim Jacinto-Henares matapos ang matagumpay na joint operation sa isang exclusive subdivision sa Quezon City, kamakailan.

Naengganyo ang BIR na makipagtambalan sa PNP-ACG matapos masaksihan ng kawanihan ang pagsalakay ng pulisya sa bahay ng mag-asawang Ruben at Erlinda Asedillo sa Varsity Hills Subdivision, sa Quezon City, na inakusahan ng pagpupuslit ng milyong pisong halaga ng alahas sa bansa. (Aaron Recuenco)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho