LAOAG CITY, Ilocos Norte – Patay ang isang lalaki matapos siyang hatawin ng kahoy na pamalo sa ulo ng kanyang kapatid sa kainitan ng kanilang pagtatalo sa Barangay Manalpac, Solsona, Ilocos Norte, nitong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rommel Benito, habang ang suspek ay ang sarili niyang kapatid na si Jimmy Benito, kapwa ng Bgy. Manalpac, Solsona, Ilocos Norte.

Ayon sa imbestigasyon, nakipagtalo si Rommel sa kanyang kapatid at sa kanilang ama tungkol sa kinita nila sa pagiging tour guide sa mga bumisitang mountaineer sa kabundukan ng Solsona.

Makalipas ang ilang minuto, nagkaroon ng komosyon hanggang hatawin nin Jimmy ng kahoy na pamalo ang kapatid, na napuruhan sa ulo.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nawalan ng malay ang biktima at isinugod sa ospital ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek. (Freddie G. Lazaro)