Dalawa ang namatay habang walong magkakaanak ang malubhang nasugatan matapos mag-amok ang isang lalaki sa loob ng bahay ng mga biktimang nagmagandang-loob na magpatuloy sa kanya sa Barangay Licomo, Zamboanga City, iniulat kahapon.

Ayon sa report ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), namatay habang ginagamot sa ospital ang suspek na si John-John Canaway Gambuta, tubong Alicia, Zamboanga Sibugay; habang agad namang binawian ng buhay ang isa sa kanyang mga tinaga nitong Marso 23 na si Ramil Hudag, 45, ng Sitio Texas sa Bgy. Licomo,

Sa imbestigasyon ni PO2 Oscar Fajardo, ng ZCPO, pito sa mga biktima, kabilang ang isang pitong buwang sanggol at tatlong menor de edad, ang nasa malubhang kalagayan.

Kinilala naman ng pulisya ang apat sa mga biktima na sina Mary Boncales Fundador, 21; Francisco Estorco, 70; Antonio Boncales Almini, 66; at Joselito Boncales Gambuta, 31.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa pulisya, pagkagaling ng suspek sa sementeryo dakong 8:00 ng gabi ay dumiretso siya sa kusina para kumuha ng itak bago pinuntahan ang mga biktima, na noon ay nanonood ng telebisyon sa sala, at isa-isang pinagtataga.

Nabitiwan ng suspek ang itak at naagaw iyon ng isa sa mga suspek at pinagtataga rin ang suspek, na nakikitira lang sa kanilang bahay. (Fer Taboy)