CONGRATULATIONS sa TV5!

Tinutukan talaga noong Sunday ang second leg ng PiliPinas Debates 2016 na inihatid nila mula sa Cebu, kahit na nagkaroon ng konting aberya dahil may misunderstanding na naganap. Pero mukhang lalo pang nakapagpasigla iyon sa mga manonood. 

Kaya nakakuha ng 11.8 percent sa nationwide household rating ang programa, naging trending at umani ng iba’t ibang comments mula sa televiewers at netizens. 

Matatandaan na sa Cagayan de Oro sa Mindanao ginawa ang first leg ng PiliPinas Debates 2016 noong February, na binuo naman ng GMA Network. Tinutukan din iyon ng televiewers. Humihingi pa nga ng extension ng oras noon ang presidentiables, pero hindi na sila napagbigyan. Nakapagtala naman sila noon ng 24.9 percent sa nationwide household rating.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Inaabangan na ngayon pa lang ang third leg ng debate na bubuuin naman ng ABS-CBN katuwang ang Manila Bulletin sa April 24 na gaganapin naman sa University of Pangasinan.

Pero bago iyon, may debate rin ang mga kandidato for vice president sa April 10 na bubuuin naman ng CNN Philippines katuwang ang Rappler at Business Mirror at magaganap naman ito sa University of Sto. Tomas. (NORA CALDERON)