GAPAN CITY, Nueva Ecija - Nagbaril sa sarili ang isang 32-anyos na lalaki makaraang magtalo sila sa pera ng kanyang misis sa Barangay Pambuan sa lungsod na ito noong Martes Santo.

Kinilala ng Gapan Police ang nagpatiwakal na si Roland Jaballas y Calisong, residente ng nasabing lugar na natagpuang nakahandusay sa bukid

sa Purok 8, Waterpool Guinandusan sa Bgy. Pambuan. May isa siyang tama ng bala ng .9mm caliber pistol sa sentido.

Sa pagsisiyasat nina PO3 Francisco Capili at PO1 Alvin Dela Cruz, dakong 1:50 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni Jaballas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa asawang si Sarah Jane Jaballas y Marcelo, 25, nagtalo sila ng kanyang mister nang hindi nito masabi kung nasaan ang pera nila.

Bago magpatiwakal, nagawa pang mag-text ni Rolland sa kanyang biyenang lalaki. Humingi siya rito ng paumanhin at inihabilin ang kanyang asawa at ang nag-iisa nilang anak.

Binanggit pa umano ng biktima na hindi na niya kaya pang dalhin ang mabigat niyang problema kaya winakasan na niya ang sariling buhay. (Light A. Nolasco)