ISANG espesyal na programming schedule ang handog ng GMA Network para sa Kapuso viewers ngayong Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria.

Sa Huwebes Santo, mapapanood ang Sa Mata ng Simbahan sa ika-7 ng umaga, na susundan ng mga pelikulang pambata na Doraemon Movie: Nobita’s Dinosaur (7:45 AM) at Detective Conan Movie: The Time Bomb (9:00 AM).

Ituturo naman ng GMA News and Public Affairs sa kabataan ang wastong paggamit ng pera at tamang pagbalanse ng oras sa pamamagitan ng tatak Pinoy na animated series na Alamat sa ika-10 ng umaga tampok ang mga kuwentong Ang Langgam at Ang Tipaklong at Juan Tamad.

Pagsapit ng ika-11:00 ng umaga, mapapanood ang pelikulang Barbie: The Princess and the Popstar, kasunod ang mga pelikulang tumabo sa takilya, Mulawin the Movie ng 12 ng tanghali, Crying Ladies sa ika-2 ng hapon, at Inang Yaya sa ganap na ika-4 ng hapon.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Mula sa CBN Asia, mapapanood sa ganap na ika-5:30 ng hapon sina Glaiza de Castro at Krystal Reyes sa Tanikala: Sa Isang Iglap. Susundan ito ng 2014 American epic biblical drama film na Son of God pagdating ng alas-7 ng gabi.

Ang pelikulang nagpaiyak sa marami na Miracle in Cell No. 7 ay mapapanood sa ika-10 ng gabi tampok ang kuwento ng isang lalaking may kapansanan na nakulong at nawalay sa anak.

Samantala, pangungunahan ulit ng mga pambatang pelikula ang Biyernes Santo, dahil mapapanood ang Doraemon Movie:

Nobita’s Dorabian Nights sa ika-7 ng umaga at susundan ng Pokemon Movie Black: Victini & Reshiram ng alas-8; at Detective Conan Movie: The Fourteenth sa ganap na ika-9 ng umaga.

Handog muli ng Alamat sa ika-10 ng umaga ang maiikling kuwento na Ang Unang Bahaghari na tungkol sa kuwento ng pag-ibig, at ang Alamat ng Bayabas na kuwento naman tungkol sa isang mapang-abusong pinuno.

Mapapanood ang Power To Unite sa ika-11 ng umaga, tatalakayin ni Ms. Elvira Yap-Go kasama ang espesyal na panauhin niyang si Fr. Timothy Radcliffe ang tungkol sa pagpapahalaga ng mga Kristiyano sa aral ng pag-asa.

Pagsapit ng alas-12 ng tanghali, mapapanood ang Siete Palabras na susundan naman ng Francis: The Pope from the New World sa ika-3 ng hapon.

Abangan ang naggagandahang pelikulang tampok simula ika-4 ng hapon. Pangungunahan ito ng Sana Dati na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Paulo Avelino at Benjamin Alves; susundan ito ng CBN Asia’s Tanikala: Buyonero sa ika- 5:30 ng hapon at pagbibidahan ni Kristoffer Martin; The Ten Commandments sa ika-7 ng gabi; at ang independent film ni Ruru Madrid, ang Above The Clouds alas-10:30 ng gabi.

Sa Sabado de Gloria, mapapanood simula ika-7 ng umaga ang Doraemon Movie: Nobita and the Giants of the Green Planet.

Kasunod nito ang Pokemon Movie: Kyurem vs. The Sword of Justice pagsapit ng alas-8; at Detective Conan Movie: The Wizard of the Century pagsapit ng alas-9.

Kilalanin naman si Inang Kalikasan sa handog ng alamat na kuwento ni Mariang Sinukuan tampok ang boses ni Kylie Padilla, kasunod ang Mahiwagang Singsing na tungkol sa pagsisikap at binosesan nina Roi Vinzon, Jeric Gonzales, at Bea Binene.

Mga paboritong pelikulang pambata naman ang mapapanood sa ika-11 ng umaga, ang Barbie in a Mermaid Tale 2; Fantastic Four sa ganap na alas-dose ng tanghali; Batman Begins pagsapit ng ala-1:30 ng hapon; at Superman Returns sa ika-3:30 ng hapon.

Sundan ang isa pang kuwentong handog ng Tanikala, tampok ang iba’t ibang kuwento tungkol sa pamilya at relasyon sa Kalbaryo, simula ika-5:30 ng hapon.

Pagsapit ng alas-6:30 ng gabi, samahan si Bo Sanchez sa kanyang 2016 TV recollection special na Forgiven, na susundan ng Pagsubok na Lenten special ng APT Entertainment, bida sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez sa ika-7:30 ng gabi.

Tampok naman sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa pelikulang So It’s You simula ika-9:30 ng gabi; susundan ito ng dokumentaryo ng I-Witness na pinamagatang Nasaan Si Maria? ng alas-11; at Front Row: Ang Babae sa Krus na tampok ang kuwento ni Precy Valencia, isang babaeng panata ang pagpapapako sa krus.; at panghuli ang Way of the Cross pagsapit ng ika-12 ng hatinggabi.

Ngayong Semana Santa, hinihimok ang mga Kapuso na magnilay, magrelaks, at panoorin ang espesyal na mga palabas na handog ng GMA-7 mula ika-24 hanggang ika-26 ng Marso.