Magpapanagpo ang mga apisyonado ng sabong mula sa Mega Manila ngayon sa Pasay City Cockpit sa pagpapatuloy ng 2016 UFCC Cock Circuit kung saan ilalatag ang 7th Leg One-Day 6-Cock Derby tampok ang may 102 kapana-panabik na sultada.

Magsisimula ang aksiyon sa ganap na 12:00 ng tanghali.

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Cock Circuit ay sa pagtataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, Solaire Resorts & Casino; Resorts World – Manila at Sagupaan.

Tatlong kalahok ang umiskor ng limang panalo at isang talo noong Marso 14 sa 6th Leg na engkuwentro, upang pagsaluhan ang kampeonato, kasama sina Engr. Celso Salazar’s Golden Boy 718, Eric dela Rosa’s 1.5M NBC 1-Cock at ang di mapigilang si Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm).

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ang naghaharing World Slasher Cup champion na si Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Gamefarm) ay nagsimulang umalagwa matapos ang muling pagkakampiyon na nagbigay sa kanya ng kabuuang 25 puntos, bagamat patuloy ang mahigpit na pagbuntot ni Joey delos Santos (San Roque) na may 24 na puntos.  

Nasa ikatlong pwesto si 2015 World Slasher Cup winner Gerry Ramos (AAO Striker) na may 21.5 puntos, kasunod sina Arman Santos (Jade Red) na may 20.5 puntos at Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roosterville) na may 20 puntos.

Magbibitaw din ng kanilang pinakamagagaling na tinale sina Atong Ang, Allan Syiaco, Andy Ong (Adza Gamefarm), Anthony Lim, Art Atayde & Teng Ranola, , Atty. Astorga, Nad Mendoza, Baham Mitra, Bebot Roxas, Cong. Panganiban, Cong. Unabia, Dong Chung, Nelson Uy, Eddie Boy Villanueva, Eddie Gonzales, Engr. Celso Salazar, Eric dela Rosa, , Gerry Teves, Homer , Ka Luding Boongaling, Ramon Atayde, Rey Briones, Ricky Magtuto, RJ Mea, Engr. Tony Marfori, Edwin Tose at the Pleasant Group.