JJ Landingin_Lent_Pilgrimage_12_Baguio_031916 copy

BAGUIO CITY – Kung can’t afford mo’ng pumunta sa Holy Land ngayong Semana Santa, may Holy Land na mapupuntahan sa Summer Capital of the Philippines.

Para sa Kuwaresma, lumikha ang pamahalaang lungsod ng Baguio ng sarili nitong bersiyon ng spiritual trail ng 15 Station of the Cross o Via Crucis Exercitium sa Dominican Hill and Retreat House para sa mga Katolikong dumadagsa sa siyudad tuwing Semana Santa.

Ang pasilidad ay bukas ngayon sa publiko—free-of-charge sa isang experimental basis—hanggang sa Linggo, Marso 27.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ayon kay Cordelia Lacsamana, ng City Environment and Parks Management Office, layunin nitong bigyan ng sariling Holy Land ang mga taga-siyudad na walang panggastos para makarating sa Holy Land sa Jerusalem, sa Lourdes Grotto sa Bulacan, o sa Mt. Santo Tomas sa Laguna.

“The project is one of the innovations introduced to the place which falls within the ambit of the ‘adaptive re-use’ concept of development being adopted for the heritage site which once served as a retreat house,” ani Lacsamana.

Inaprubahan ni Mayor Mauricio Domogan ang proyekto at kinomisyon ang mga senior citizen ng Barangay Dominican-Mirador upang magsilbing tour guide tuwing Sabado at Linggo, habang pinahihintulutan ang mga itong makapagbenta ng tubig, mga religious prayer book at iba pang souvenir ngayong Semana Santa. (Rizaldy Comanda)