Marso 21, 1952 nang idaos ang unang rock concert sa mundo na pinamagatang “Moondog Coronation Ball” sa Cleveland Arena sa Ohio. Ang ticket ay nagkakahalaga ng $1.50 bawat isa, at aabot sa 20,000 ang nanonood.

May mga hindi pinapasok kahit pa may ticket kaya ipinagpilitan nilang makapasok at itinulak ang mga humarang sa kanila. Kinalampag nila ang mga pintuan, at naging mapanganib ang pagsisikip sa lugar nang makapasok na sila. Ito ang naging dahilan kaya ipatigil ng mga pulis ang concert, ngunit isa nang lalaki ang nasaksak.

Nang sumunod na araw, sa pamamagitan ng AM radio, humingi ng paumanhin ang “Father of Rock and Roll” at maalamat na si DJ Alan Freed, sinabing libu-libo ang gustong dumalo sa dance activity.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’