Sinimulan na kahapon sa Valenzuela City ang I-Swak Mo! 3-on-3 Basketball Challenge.

Ang proyektong ito ay handog ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa pamumuno ni dating Konsehal at miyembro ng PBA Legend na si Gerry “Mr.Cool” Esplana.

Katulong din sa proyekto ang kanyang butihing maybahay na si Councilor Jennifer Pingree-Esplana at sina Congressman Wes Gatchalian, Vice Mayor Eric Martinez at Councilor Lorena Natividad-Borja.

Layon ng nasabing palaro na kumuha ng mga manlalaro na ipinanganak noong 2001 pataas sa bawat barangay.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang mga grupo sa bawat barangay ay maglalaban-laban kung saan may isang koponan kada barangay ang matitira.

Ang bawat team sa kada barangay na matitira ay maglalaban-laban sa knock-out game at ang mga natatanging team na natitira ang tatanghaling kampeon. - Angie Oredo