GOOD news sa buong pamilya ang bagong handog ng ABS-CBN TVplus na Kapamilya Box Office (KBO) channel. Ngayong tag-araw, sa loob ng isang buwan tuwing Sabado at Linggo hanggang April 17, mapapanood nang libre ang mga pelikula mula sa Star Cinema.

Ito ang bigating patikim o libreng trial ng Kapamilya Box Office channel, mas maraming pagkakataong mapanood sa bahay ang malilinaw na mga de-kalibreng pelikula mula sa Star Cinema.

Ang certified blockbusters na The Amazing Praybeyt Benjamin, Praybeyt Benjamin, A Very Special Love, She’s Dating The Gangster, Feng Shui, My Amnesia Girl, at Ekstra ay ilan lang sa mga pelikula na ipapalabas ng ABS-CBN TVplus sa Marso 26-27, Abril 2-3, Abril 9-10, at Abril 16-17.

Kabilang din sa libreng trial ang catchup marathon ng Dolce Amore, na todo-todong kilig ang hatid nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Relasyon at Hiwalayan

Jericho, ibinahagi 6-hour date nila ni Janine

Para mag-subscribe sa libreng trial ng Kapamilya Box Office, i-text ang KBO sa 2131 gamit ang ABS-CBNmobile SIM. ‘Pag rehistrado na, kailangan lang i-press ang SCAN sa TVplus remote control para i-activate ang KBO sa 7th channel ng ABS-CBN TVplus.

Para sa TVplus users na wala pang ABS-CBNmobile SIM, maaaring bumili nito sa SM store, 7-Eleven Store, at pati sa ABS-CBNmobile store. Puwede ring mag text sa 23661 para mag-order ng SIM for delivery.

Maaari ring makabili ng ABS-CBN TVplus boxes na may kasama nang ABS-CBNmobile SIM sa lahat ng accredited retail outlets, sales agents, at dealers.

Ang Kapamilya Box Office ay available sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, Benguet, at Metro Cebu.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa promo, i-text ang KBO INFO sa 23661 at bisitahin ang tvplus.abs-cbn.com.