MAGKARELASYON ba talaga sina Ahron Villena at Cacai Bautista?

Usap-usapan sa showbiz circle ang diumano’y sorpresang ginawa ni Cacai sa birthday ni Ahron noong March 14.

Sa Instagram post ni Ahron na may kasamang picture nila ni Cacai na magkasama, nagpasalamat ang aktor sa kanyang mahabang mensahe si Cacai na itinuturing daw niyang best friend.

Aniya, “Hi Ms. Bautista. I just wanna say thank you for the birthday surprise you did and thank you for bringing my family and my close friends. I really appreciate what you did and I was really surprised that night.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dugtong pa niya, “I’m really happy to have you as my friend/best friend kasi andiyan ka palagi for me. Pag may problema ako andiyan ka para makinig sa akin. Alam kong madaming taong mali ang interpretation sa atin. Minsan ako masama, minsan ikaw. Basta ang mahalaga alam nating best friends tayo. ‘Yun ang importante.”

So, siguro naman matutuldukan na ang hinala ng karamihan at ng fans na umaaasang magiging sila, dahil inuulit-ulit na ni Ahron na best friends lang ang estado ng pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Ulit pang mensahe ni Ahron, “Thank you for everything. Mahal kita alam mo yan bilang kaibigan mo at bilang best friend mo. Lagi mo tandaan na andito lang ako for you. Let’s just enjoy whatever we have now and be happy.”

‘Yun na!

Magkaibigan lang pala ang dalawa. (Ador Saluta)