Sa ikalawang pagkakataon, muling gaganap na Hesukristo at magpapapako sa krus ang isang 37-anyos na pari na magbibida sa Senakulo sa Calabangan sa Camarines Sur sa Biyernes Santo.

Ayon kay Fr. Rex Palaya, humingi siya ng permiso sa Archdiocese of Caceres bago muling tinanggap ang papel na ginampanan niya sa Senakulo noong nakaraang taon sa Naga City.

Nabatid na sadyang nagpahaba ng buhok si Palaya sa nakalipas na tatlong taon para sa nasabing pagganap, at kapag sapat na ang haba ay plano niyang ihandog ang kanyang buhok para magamit ng imahen ng Poong Nazareno.

Nabatid na ang naturang pagsasadula ang pangunahing tampok sa Senakulo na dinarayo ng 800,000 hanggang isang milyong deboto kada taon. (Jun Fabon)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito