Kabilang si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa 12 indibidwal na ang mga paa ay huhugasan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Huwebes Santo, sa Manila Cathedral sa Intramuros.

Bukod kay Bautista, inihayag ng Archdiocese of Manila na huhugasan din ni Tagle ang mga paa ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting coordinator for the archdiocese Jun Ochiangco, dalawang Persons with Disabilities (PWD), dalawang kabataan, dalawang religious sister, dalawang babae, at dalawang mula sa tahanan ng Cardinal – ang kanyang driver at ang katulong ng kanyang pamilya sa loob ng 30 taon.

Sinabi ng Archdiocese of Manila na ang washing of the feet ngayong taon ay magbibigay-diin sa kahalagahan ng halalan at kikilalanin din ang mga kapansanan, kabataan, kababaihan, religious sisters, at ang mga taong tapat na nagsisilbi sa iba.

Magsisimula ang Easter Triduum sa Huwebes Santo, Marso 26, sa Mass of the Chrism dakong 7 a.m. Idaraos naman ang Evening Mass dakong 5 p.m. at gugunitain sa Lord’s Supper ang pagkakatatag sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Bahagi ng Liturhiya ang paghuhugas ng paa. (Leslie Ann Aquino)

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga