LAGUNA – Magiging kumplikado para kay Pangulong Aquino na humanap ng pagkakakitaan sa pagbaba niya sa Malacañang sa Hulyo 2016.

At dahil halos tatlong buwan na lamang ang kanyang pananatili sa puwesto, sinabi ni Aquino na tanging sa pensiyon na lamang siya makaaasa sa pang-araw-araw na gastusin dahil mahihirapan na siyang makahanap ng trabaho sa pagtatapos ng kanyang termino.

Aminado ang 56-anyos na Pangulo sa kanyang kabuhayan dahil ipinagbabawal sa batas na siya’y makapagtrabaho sa mga industriya na dati niyang pinangangasiwaan sa loob ng isang taon.

“105 days na lang po, retirado na po ako (In 105 days, I will be retiring,)” pahayag ni Aquino sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng Agriculture and Rural Development Mutually Reinforcing Institutions sa Bay, Laguna.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“Alam niyo, sa batas ho natin, yung members of the Cabinet, ako—I cannot participate in an industry that I used to regulate. Dahil Pangulo ako, nire-regulate ko lahat. Ibig sabihin noon, bawal ako magtrabaho nang one year. Kaya sabi ko, ‘Parang okay yun. Wala kang kikitain nang one year.’ Ang ikabubuhay mo, sana sumapat yung pension at saka yung savings,” dagdag ni Aquino.

Dahil dito, pumasok na rin aniya sa kanyang isipan na pasukin ang pagsasaka.

“Problema ko na ho yun, hindi niyo problema. Iniisip ko nga kung puwede ba akong magsaka dahil saklaw na ng Department of Agriculture. Baka may issue pa rin yun,” aniya.

Subalit iginiit ng binatang Pangulo na mas malaki ang problema ni Finance Secretary Cesar Purisima dahil hindi ito makapagtatrabaho sa mga bangko at iba pang institusyon sa pananalapi ng dalawang taon bunsod ng pagiging miyembro ng Monetary Board. (GENALYN KABILING)