Pangungunahan ni Singapore Southeast Asian Games gold medalist Marella Salamat ang kampanya ng bansa sa idaraos na 2016 World University Cycling Championships na sisikad ngayon sa Tagaytay City.

Mapapalaban si Salamat, women’s individual time trial gold medal sa kanyang unang overseas stint noong Hunyo sa Singapore, kontra sa mga kabataang siklista mula sa 14 na bansa sa torneo na inorganisa ng International University Sports Federation sa pakikiisa ng punong abalang Federation of Schools Sports Association of the Philippines.

Ang Le Tour de Filipinas organizer Ube Media Inc.sa ilalim ni Donna Lina ang mamamahala sa road races ng event at susuportahan ng Philippine National Cycling Association at PhilCycling.

Unang paglalabanan ang criterium race sa men’s at women’s division sa Canyon Woods ngayon na susundan ng men’s 120-kilometer (Tagaytay-Tagaytay) road race bukas na sa alas- 9 ng umaga at women’s 80-km event na magsisimula sa ala-1 ng hapon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sina Gerald Valdez, Bonijoe Martin, Jay Lampawog at Ismael Gorospe Jr. ang kakampanya para sa Pilipinas sa men’s road race.

Ang WUCC ay magtatapos sa pamamagitan ng cross-country event for men and women sa bagong gawang track sa Canyon Woods. (Marivic Awitan)