Upang mapabilis ang biyahe ng mga turistang makikisaya sa Moriones Festival sa Marinduque sa susunod na linggo, nakipagtulungan ang Department of Tourism (DoT) sa Philippines Airlines (PAL) upang mag-alok ng dalawang chartered flight para sa selebrasyon.

Ang Moriones ay isang taunang religious celebration tuwing Kuwaresma, sa Marinduque, upang isadula ang kuwento ni Saint Longinus.

Sa isang pahayag, sinabi ni DoT-Region 4-B Director Minerva Morada na may dalawang espesyal na biyahe ang PAL patungong Gasan, Marinduque sa Marso 23 at 27 para sa Moriones Festival.

Aniya, sa dalawang special flight ay tiyak na aabutin na lang ng 40 minuto ang biyahe mula sa Maynila hanggang sa Marinduque. (Samuel Medenilla)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito