CAPAS, Tarlac – Tiyak na malaki ang magiging peklat sa mukha ng isang lalaki na tinaga sa mukha ng kanyang kainuman na napikon sa isang personal na bagay sa Barangay Sto. Rosario, Capas, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Arlan Herrera ang biktimang si Paul Dela Cruz, nasa hustong gulang, binata, habang ang suspek naman ay si Joveth Jaime, 37, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sinabi ng saksing si Benson Diaz, 27, nag-iinuman ang dalawa at iba pa nilang kaibigan nang mainitang nagtalo sina Dela Cruz at Jaime tungkol sa isang personal na bagay.

Ayon sa report, kaagad kumuha ng matalas na itak ang suspek at tinaga sa mukha si Dela Cruz, na posibleng mabansagang scarface sa kanilang barangay.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Naglunsad na ang pulisya ng malawakang manhunt laban kay Jaime, na nahaharap sa kasong frustrated murder.

(Leandro Alborote)