PINABILIN ni Miguel Tanfelix ang kanyang followers sa Instagram sa kanyang naging pahayag na mananatili siyang loyal Kapuso.

Nasabi ito ng Wish I May actor nang imungkahi ng kanyang isang fan na lumipat siya sa kabilang istasyon.

Hindi nagdalawang-isip at mabilis na sumagot si Miguel na kailanman ay hindi niya binalak na iwan ang kayang home network.

“One thing that got me to where I am today is LOYALTY. Eleven years and counting as a Kapuso. Thank you for your compliments, but I am very much happy with where I am,” saad ni Miguel sa kanyang post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Masaya siya sa projects na ibinibigay sa kanya ng GMA at sa kasalukuyan nga ay napapanood siya sa Afternoon Prime series na Wish I May kasama ang kanyang perennial partner na si Bianca Umali. (MERCY LEJARDE)