DIEGO-Loyzaga

IPINAGTANGGOL ni Sunshine Cruz si Diego Loyzaga, ang anak ng dating asawang si Cesar Montano sa kinasangkutang gulo kamakailan.

Ayon kay Sunshine, hindi basagulero si Diego.

Bagamat hindi pa naman niya alam kung ano ang totoong pangyayari, mabait daw ang anak ni Cesar at alam niyang hindi ito basta-basta na lang papasok sa gulo.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sa pagkakaalam din niya, agad humingi ng paumanhin si Diego sa publiko sa pamamagitan ng social account nito.

“Mabait na bata ‘yan si Diego, alam kong malulusutan niya ang isyung ‘yan,” sey pa ni Shine.

Hindi pa raw niya nakakausap si Diego simula nang nangyari ang insidente. Dagdag pa niya, mas close si Diego sa mga anak niya.

Samantala, bukod sa busy sa taping ng teleseryeng Dolce Amore, marami ang nakakapansin na lalo pang gumaganda at sumeseksi ang aktres. Meron ba siyang pinagpapagandahan?

“Well, wala pa naman. Kailangan ko lang ito sa trabaho ko bilang artista. Meron din naman kasi akong iniendorsong beauty products, kaya walang dahilan na pabayaan natin ang pagpapaganda.

“Inspirasyon ko ngayon, eh, ‘yung tatlong anak ko. Diyos ko, hiwalay ako sa asawa, ayokong ma-link sa ibang lalaki lalo na ‘yung mas bata pa sa akin. ‘Di ko pinangarap na tawaging ‘hot mama’ or cougar’,”napatawang sabi pa ng kaibigan at mahal naming aktres. (Jimi Escala)