KALIBO, Aklan - Isang grupo ng kabataan ang pinaghahanap ngayon ng awtoridad matapos makapambiktima ng isang dentista sa Kalibo, Aklan.

Ayon sa dentista, na tumangging pangalanan, pinuntahan siya ng grupo ng kabataan at nag-alok na ima-market sa publiko ang kanyang serbisyo.

Sinabi ng biktima na pumayag siya bagamat wala silang pormal na kasunduan, ngunit makalipas ang mga araw, ilang pasyente niya ang nagreklamo na nakuhanan sila ng mga suspek ng P400 bawat isa sa pangakong magkakaroon sila ng freebies mula sa dentista.

Dahil dito, agad na nagpa-blotter sa Kalibo Police ang dentista para arestuhin ang mga suspek, pero hindi na mahanap ng awtoridad ang mga ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gayunman, sinabi ng biktima na nahanap niya sa Facebook ang mga litrato ng mga suspek. (Jun N. Aguirre)