Inihayag kahapon ng isang grupo ng kababaihan ang pagdami ng kaso ng panggagahasa sa nakalipas na mga taon.

Sinabi ng Gabriela na tumaas ng 90 porsiyento ang mga kaso ng rape mula 2010 hanggang 2014.

Ayon sa grupo, umabot na sa 9,875 ang rape case na naisampa sa magkakaibang korte mula sa 5,132 kaso limang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay kay Rhodora Bulusan, chairperson ng Gabriela-Northern Mindanao, lumabas sa kanilang report na isang batang babae ang nagagahasa sa loob ng 53 minuto, at pito sa 10 biktima ay menor de edad.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inihayag din ng grupo na halos 200 porsiyento ang itinaas ng mga paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children) sa kaparehong taon, at tatlo sa 10 biktima ang nakararanas ng sexual violence.

Nalaman din ng grupo na karaniwan nang nananahimik sa kanilang sinapit ang mga biktima dahil sa takot at matinding trauma. (Fer Taboy)