Ni REGGEE BONOAN

NATAWA ang mga nakakita nang magkasalubong sina Gretchen Barretto at Jana Agoncillo aka Ningning sa 50th birthday party ni Papa Art Atayde last Friday night.

“Ay, she’s an actress!” nasambit ni Gretchen habang papasok sa loob ng bahay nina Sylvia Sanchez at Papa Art, samantalang si Jana naman ay naiwang nakatingin lang sa kanya.

Nakakatuwa dahil kahit hindi pa nakakatrabaho ni Gretchen si Jana ay kilala niya ang bagets at tiyak na nanood siya ng Ningning para mabanggit niyang aktres si Bagets.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang hindi lang namin alam ay kung kilala siya ni Jana dahil wala itong reaksiyon nang magkasalubong sila at tumingin lang sa sosyalerang aktres.

Anyway, wala talaga kaming masabi kay Greta. Totoo pala talaga ang mga naririnig namin na marami siyang bodyguards, dahil nang dumating siya ay marami siyang dalang pagkain na nakalagay sa sosyal na kahon. Limang lalaki ang may dala-dala sa mga ito at ipinasok sa bahay ng mga Atayde.

Narinig naming sabi ni Greta sa kasama nina Sylvia Sanchez, “I have to fix these, where?” At siya nga mismo nag-ayos ng dala niyang pagkain.

Palibhasa karamihan sa bisita nina Ibyang at Papa Art ay non-showbiz, hindi gaanong bumati si Gretchen lalo wala pa namang proper introduction.

Pero base sa obserbasyon namin ay mabait naman ang aktres at naghihintay lang sigurong ipakilala siya sa lahat, eh, wala namang gumawa.

Anyway, game na game sa Karaoke session si Greta dahil hindi siya nagpaawat sa pagkanta at nakipag-duet pa kay Papa Art.

At narinig naming mahilig pala talagang kumanta si Gretchen at kung minsan nga raw ay nagpapatawag ito ng mga kaibigan niya sa bahay nila para lang mag-sing along.

Sosyal!