Magiging produktibo sa kainitan ng buwan ng Abril sa paglahok sa multi-awarded BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) basketball at volleyball clinics sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Simula sa Abril 1, magkakaroon tuwing Martes at Biyernes ng basketball clinics para sa Preparatory Level at mula Level 1-4, sa Starmall-Alabang at Amoranto Sports Complex sa Quezon City.

Umpisa naman sa Abril 2 ay magdaraos sila ng sessions tuwing Miyerkules at Sabado sa Caloocan High School at Xavier School para sa Preparatory Level, Levels 1, 2 at 3 gayundin sa Malate Catholic School para sa Preparatory Level at Levels 1, 2, 3, 4.

Magkakaroon din ng sessions tuwing Lunes at Huwebes simula sa Abril 4 sa University of Perpetual Help, Las Piñas (Preparatory Level, Levels 1, 2 and 3)  at Ateneo College Covered Courts  mula Abril  11 para sa  Preparatory Level at  Levels 1-6.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mayroon ding session kada Linggo sa Lancaster, New City - Imus, Cavite mula Abril 17 – Mayo 22.

Para naman sa volleyball, magsisimula ang aktibidad sa pamamagitan ng sessions tuwing Lunes at Huwebes sa Starmall Alabang para sa  Level 1 and 2 mula Abril  4,  simula 1:30 - 4:30 ng hapon.

Mayroon din tuwing Martes at Biyernes sa Malate Catholic School mula Abril 5 ( Levels 1 and 2) at sa Ateneo College Covered Courts mula Abril 12 simula 8:00 - 11:30 ng umaga (Levels 1, 2) at tuwing Miyerkules at Sabado sa University of Perpetual Help mula Abril 6 simula 8:30 - 11:30 ng umaga ( Levels 1 and 2). - Marivic Awitan