Xian copy copy

MASAYANG-MASAYA si Xian Lim nang makakuwentuhan namin sa backstage ng Gabi ng Parangal ng PMPC Star Awards for Movies. Tuwang-tuwa siya na kinuha siya bilang isa sa hosts ng awards night kasama sina Piolo Pascual, Bela Padilla, Robi Domingo at Kim Chiu.

For sure, mas masaya siya kung sa susunod na awards nights ay mapasama ang pangalan niya sa mga nominado bilang best supporting actor dahil sa napakagandang performance niya sa Everything About Her with Vilma Santos and Angel Locsin.

“Oo naman. Sobrang blessing ‘yun. Sana nga mapansin ‘yung acting ko du’n. Pero ayoko munang isipin, baka kung ano pa ang masabi ng iba, di ba? Pero sana po… sino ba naman ang ayaw ma-nominate?” napatawang banggit ng binata.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ilang buwan na ang lumipas since ipalabas ang naturang pelikula pero sunud-sunod pa rin daw na mga papuring natatanggap niya.

“’Yung mga positibong feedbacks na nakararating sa akin galing sa mga nakapanood ng pelikulang Everything About Her na pumuri sa acting ko, eh, doon pa lang, eh, parang nanalo na tayo ng award. More than enough na sa akin ‘yun. But still, kung mano-nomintae ako, eh, sobrang bonus na ‘yun at kapag nanalo pa ako, eh, ano pa, di pa?,” humahagikhik pang banggit ni Xian.

Masaya rin si Xian na muli silang pinagsama ni Kim sa teleseryeng The Story of Us. Aniya pa, kakaiba na ang characters nila ni Kim sa nasabing serye.

Matured na Xian Lim na raw ang mapapanood ng fans niya sa serye, huh! (Jimi Escala)