Umabot sa 27 estudyante ang isinugod sa ospital makaraang malason umano sa kinain nilang igado sa Gattaran, Cagayan.

Nagpapagaling ang mga biktima, na pawang estudyante ng Don Mariano Marcos High School, sa pinaniniwalaang food poisoning makaraang kumain ng putaheng igado nang mananghalian nitong Biyernes.

Sinabi ni Jerome Casistimo, nurse sa ospital na pinagdalhan sa mga estudyante, na ang mga biktima ay kinabibilangan ng dalawang lalaki at 25 babae.

Pawang nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at pagtatae ang mga estudyante.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Pinaniniwalaan ng awtoridad na ang kinaing igado ng mga estudyante ang sanhi ng umano’y food poisoning sa kanila. (Fer Taboy)