Vivian-Velez1 copy copy

NAG-TAPING na si Vivian Velez ng last scenes niya sa Tubig at Langis at ipinost niya sa Facebook na, “I’m taping my last scenes in the series right now and I feel like I’m walking in the lion’s den.”

May mga nakisimpatiya pero mayroon ding nam-bash kay Vivian. Dapat daw hindi na siya bumalik pa para mag-taping dahil naghain na siya ng irrevocable resignation.

Hindi alam ng mga ito na ‘pag hindi bumalik si Vivian at hindi tinapos ang kanyang mga eksena, puwede siyang idemanda ng ABS-CBN.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

May nagsabi namang Vivian was requested by the production to finish her scenes para may closure ang karakter niya.

(Nitz Miralles)