CAMBRIDGE, Mass. (AP) — Napili si Steven Spielberg para maging speaker sa 2016 commencement ng Harvard University.

Personal na makakasalamuha ng three-time Academy Award winner ang mga estudyante ng Ivy League sa Mayo 26.

Sinabi ni Harvard President Drew Faust sa isang pahayag nitong Huwebes na ang kakaibang estilo ni Spielberg sa kanyang mga pelikula ay nagpapayabong sa pagkatao at sa imahinasyon ng maraming manonood.

Si Spielberg ay nagwagi sa Oscars ng best picture at bilang best director para sa pelikulang Schindler’s List at Saving Private Ryan, ayon sa pagkakasunod.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Isa lamang si Spielberg sa mga Hollywood artist na napiling maging speaker sa mga graduation ngayong taon. Nakatakda ring maging speaker ang aktor na si Matt Damon sa Massachusetts Institute of Technology sa Hunyo 3.