SAN ANTONIO — Patuloy ang ratsada ng San Antonio Spurs tungo sa kasaysayan sa NBA.

Hataw si Kawhi Leonard sa naiskor na 29 puntos, habang kumana si LaMarcus Aldridge ng 26 puntos at 10 rebound sa panalo ng San Antonio kontra Chicago Bulls, 109-101, Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila).

Ratsada rin si Tony Parker sa nakubrang 20 puntos at 12 assist para sa ika-31 sunod na panalo ng Spurs sa AT&T ngayong season at kabuuang 40 sunod na home game win kasama ang nakalipas na regular-season.

Sa kabuuang 65 na laro, naitala ng Spurs ang 55-10 karta, ikalawang pinakamatikas na marka ngayong season sa likod ng 56-6 ng Golden State Warriors.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

RAPTORS 104, HAWKS 96

Sa Toronto, nagsalansan si DeMar DeRozan ng 30 puntos at limang rebound para gabayan ang Raptors kontra Atlanta Hawks.

Nag-ambag si Kyle Lowry ng 19 puntos at pitong assist para sa Raptors, habang may 10 puntos at 12 rebound si Luis Scola at kumana si Jonas Valanciunas ng 16 puntos at 10 rebound.

Nanguna si Al Horford sa Atlanta na may 20 puntos.

NUGGETS 116, SUNS 98

Sa Denver, ginapi ng Nuggets, sa pangunguna ni Devin Booker na kumana ng career-high 30 puntos, ang Phoenix Suns.

Kumubra si Nikola Jokic ng 18 puntos at 10 rebound, habang umiskor si Will Barton ng 17 puntos at walong rebound sa Denver.