Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Biyernes na isang Cebu Pacific flight mula Qatar patungong Manila ang nag-emergency landing sa Myanmar.

Nagdeklara si Capt. Gerardo Martin Piamonte ng Cebu Pacific Airbus 330 na may flight number 7945, habang nasa Myanmar airspace, ng emergency landing upang tugunan ang pangangailangang medikal ng isang overseas Filipino worker sa pinakamalapit na paliparan, partikular sa Mandalay Airport.

Sakay ng eroplano ang 409 na pasahero at 9 na cabin crew member.

Habang isinusulat ang balitang ito, nasa nasabing paliparan pa rin ang eroplano. Wala pang karagdagang impormasyon kaugnay sa Pilipino na isinugod sa ospital. (Ariel Fernandez)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter