Ipinaliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na epekto ng matinding init ng panahon na dulot ng El Niño weather phenomenon ang pagdagsa ng isdang tamban sa baybayin ng Dipolog City sa Mindanao nitong Martes.

Ayon sa BFAR, napadpad ang mga isda sa nasabing baybayin dahil sa malamig na bahagi nito.

Inihayag ng BFAR na dumami ang mga tamban dahil sa ipinatupad nilang tatlong buwang fishing ban noong Disyembre 2015 hanggang ngayong Marso para sa breeding period ng nasabing isda.

Matatandaan na noong 2010 ay nasaksihan din ng mga residente sa lugar ang pagdagsa naman ng mga hipon sa dalampasigan dahil sa tindi ng El Niño. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito