women-laughing.jpg.653x0_q80_crop-smart copy

Ang emotional stress na nagiging dahilan ng paninikip ng dibdib at hindi maayos na paghinga ay maaaring maramdaman ng tao kapag sobrang masaya, o labis na nagagalit, nagdadalamhati at natatakot, ayon sa isang pag-aaral.

Ang kaso ng “takotsubo cardiomyopathy”, ang pagbabago ng hugis ng kaliwang ventricle ng puso, na maaaring lumala, ay sanhi ng stress.

Sa 1,750 pasyente, nadiskubre ng mga mananaliksik na ang heart problem ay sanhi ng matinding emosyon na nangyayari tuwing:

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Birthday party

Kasalan

Makita ang kaibigan makalipas ang 50 taon

Kapag nagkaroon ka na ng apo

Kapag nanalo sa laban ang iyong paboritong koponan

Kapag nanalo sa lotto

Nasabi rin sa pag-aaral na karamihan sa mga kaso ay nararanasan tuwing post-menopausal sa kababaihan.

Ayon kayDr Jelena Ghadri, isa sa mga researcher: “We have shown that the triggers for takotsubo syndrome can be more varied than previously thought.

“A takotsubo syndrome patient is no longer the classic ‘broken-hearted’ patient, and the disease can be preceded by positive emotions too.

“Clinicians should be aware of this and also consider that patients who arrive in the emergency department with signs of heart attacks, such as chest pain and breathlessness, but after a happy event or emotion, could be suffering from takotsubo syndrome just as much as a similar patient presenting after a negative emotional event.”

Aniya, ito ay nangyayari kapag ang isang tao ay masaya o kaya’y malungkot.

Sinabi naman ni Prof. Peter Weissberg, medical director ng British Heart Foundation, na: “Takotsubo syndrome is a rare event.

“This study suggests that in a very few cases, the triggering event may be a happy one.

“Much more research is needed to understand how such emotional events can trigger temporary heart damage in a few susceptible individuals.” (BBC News)