Kulungan ang kinahinatnan ng isang Arab businessman matapos arestuhin ng pulisya dahil sa pagbabanta sa dati niyang nobya, isang Pinay, na ipakakalat nito sa social media ang kanilang sex video kung hindi ito papayag na muling makipagtalik sa kanya.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Nasser Mubarak Almarri, 56, pansamantalang naninirahan sa Room 1712, Britich Tower, Pedro Gil, Ermita, Manila.

Ang pagkakaaresto kay Almarri ay bunsod ng reklamo ng isang Monalisa Duterte, 31, isang overseas Filipino worker (OFW) na nakatira rin sa Malate, Manila.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) na hiniling umano ng suspek sa kanyang dating nobya na makipag-sex sa kanya noong Marso 6 at 7, subalit tumanggi ang huli.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dahil dito, nagalit si Almarri at binantaan na ipakakalat niya sa social media ang kanilang sex video kaya humingi ng tulong si Duterte sa MPD-General Assignment and Investigation Section.

Dinampot ng awtoridad si Almarri sa Midland Plaza sa Adriatico St., Ermita dakong 4:30 ng hapon nitong Lunes, sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Silverio Castillo ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 48.

Napag-alaman din ng pulisya na nagsama ang dalawa ng halos apat na buwan bago nagkaroon ng karamdaman si Almarri at bumalik sa Qatar. Subalit kamakailan ay dumating ang suspek sa Pilipinas at pilit na nakikipagbalikan kay Duterte.

(Argyll Cyrus B. Geducos)