TARLAC CITY - Inihayag ni Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado na may 164 na kabataan sa Bulacan ang magtatrabaho sa kapitolyo ngayong summer, sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES), katuwang ang Department of Labor and Employment (DoLE).

Aniya, layunin ng SPES na tulungan ang mga nangangailangan at karapat-dapat na kabataang Bulakenyo na matustusan ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng dagdag-kita tuwing bakasyon.

Ang 60 porsiyento ng suweldong tatanggapin ng mga benepisyaryo ng SPES ay magmumula sa tanggapang kanilang pinaglilingkuran, habang ang 40 porsiyento naman ay manggagaling sa DoLE. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?