HINDI diretsong inamin nina Kim Chiu at Xian Lim na magdyowa na sila, pero base sa sinabi ng huli ay nagmamahalan sila.

Sa grand presscon ng The Story of Us kahapon sa 9501 Restaurant, muling tinanong sina Kim at Xian kung ano na ang update sa relasyon nila.

“Before this presscon ay nag-apologize na po ako kasi baka mapagod na kayo sa naririnig n’yo na paulit-ulit na we’re happy, something special, it’s leveling, lagi na lang pong ganu’n,” sagot ni Xian.

“Inunahan ko na po kayo ng sorry na sinasabi ko naman na hindi ako takot na aminin na mahal na mahal ko si Kim, hindi ako takot na halikan siya, hindi ako takot na ipakita sa lahat ng tao na mahal na mahal ko talaga si Kim.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“But at the same time, ‘pag sinabi natin sa lahat baka magkaroon pa ng kumplikasyon. Mayroong proper time, proper place para sabihin sa lahat ang relationship po namin.

“Ito lang po ang sa akin baka lang po maraming istorya na lumabas, may dagdag-bawas, iyon lang po na baka may mangyaring masama kasi pinoprotektahan ko lang.”

Read between the lines, Bossing DMB, hindi na kailangang kumpirmahin ng KimXi ang tunay nilang relasyon.

Samantala, panay ang pasalamat ng dalawa dahil mataas ang ratings ng The Story of Us kaya pa-thanksgiving na rin ang grand presscon nila kahapon.

Inaabangan ngayon ang New York City scenes ng KimXi dahil marami raw ang magagandang eksena at halos lahat ng tourist spot sa Big Apple ay napuntahan nila.

Kabituin nina Kim at Xian sa The Story of Us sina Aiko Melendez, Zaijian Jaranila, Alyanna Angeles, Susan Africa, Gardo Versoza at Zsa Zsa Padilla mula sa Star Creative. (REGGEE BONOAN)