Mga laro ngayon

(MOA Arena)

8 n.u. -- NU vs. UE (m)

10 n.u. -- Ateneo vs. UP (m)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2 n.h. -- FEU vs. UE (w)

4 n.h. -- Ateneo vs. NU (w)

Malaking katanungan ngayon kung magagawang bumangon ng defending champion Ateneo de Manila, higit at tila namarkahan na ang kanilang kahinaan sa pagpapatuloy ng aksiyon sa women’s division ng UAAP Season 78 volleyball tournament ngayon, sa MOA Arena sa Pasay City.

Matapos mabigo sa kamay ng kanilang archrival De La Salle, muling nabigo ang Lady Eagles sa kamay ng University of the Philippines Lady Maroons nitong Linggo.

Ngunit, para kay National University Lady Bulldogs coach Roger Gorayeb, suwerte ang kanyang koponan kung mananaig sa Lady Eagles sa kanilang duwelo sa ganap na 4:00 ng hapon.

“Alam naman natin na malakas ang Ateneo, kahit pa galing sa dalawang sunod na talo yan, hindi naman sila ganun kadali talunin. Siyempre, pipilitin ni coach Tai na magawan ng adjustment yung kanilang naging problema,” pahayag ni Gorayeb.

Umaasa ang dating Lady Eagles coach na makapaglaro muli ng maganda ang kanyang mga manlalaro partikular ang kanyang mga beteranong sina Jaja Santiago, Myla Pablo, setter Ivy Perez, at Jorelle Singh.

“Yun lang naman ang gusto ko, yung magawa naming yung dapat naming gawin. Kung manalo, mas maganda, pero kung matalo at least hindi nasayang ang ininsayo namin dahil nagawa namin sa laro,” aniya. (Marivic Awitan)