NAGING bukas si Crystal Harris-Hefner, asawa ng Playboy founder na si Hugh Hefner, tungkol sa kanyang kalusugan at inaming siya ay na-diagnose na may Lyme disease.

Ibinahagi ng 29 na taong gulang na modelo ang kanyang kalagayan sa Instagram, pinaalalahanan ang kanyang mga follower na kumonsulta sa doktor kung sila ay, “EVER GONE HIKING”.

“I was diagnosed a few days ago and have a long road ahead of me,” pahayag ni Crystal. “The symptoms are vast and when it has been left untreated for a long time can turn into MS, Alzheimer’s, Parkinson’s, Dementia and ALS.”

“It is a disease so many people are living with and is becoming an epidemic,” patuloy ni Crystal, pagkatapos isa-isahin ang napakaraming sintomas ng Lyme disease. “I always thought I was a hypochondriac. Doctors told me it was just ‘stress’ or ‘all in my head’ but I finally figured it out and you can too.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Isang araw bago isiniwalat ni Crystal ang balita at bigyang-paalala ang kayang mga follower, kitang-kitang sa kanyang mukha na masama siya. Ibinahagi kasi niya ang kanyang litrato na naka-bikini at kita ang kanyang makinis na katawan.

Isa lamang ang Playboy playmate sa mga artistang may Lyme disease. Ang Real Housewives of Beverly Hills star na si Yolanda Hadid ay matagal na ring nagtataglay ng nasabing sakit, at ganoon din ang kanyang dalawang anak na sina Bella at Anwar Hadid, at ganoon din ang singer na si Avril Lavigne. (ET Online)