PADRE GARCIA, Batangas - Nakatakas ang dalawang bilanggo na dadalhin sana sa ospital matapos silang magtamo ng mga sugat sa katawan dahil sa kanilang pag-aaway sa loob ng selda ng himpilan ng pulisya ng Padre Garcia sa Batangas.

Kapwa may kasong ilegal na droga sina Rommel Belen, 23; at Julius Niño Awat, 27, parehong taga-Padre Garcia.

Agad namang isinailalim sa imbestigasyon si PO3 Gerard Castillo, na tinanggal na rin bilang duty jailer ng istasyon.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:00 ng gabi nitong Linggo nang nag-away sina Belen at Awat sa loob ng selda, kaya pinalabas sila ni Castillo para madala sa ospital.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Habang naghihintay ng mobile patrol, itinulak umano ng dalawang bilanggo si Castillo bago kumaripas ng takbo.

Hinabol pa ng mga pulis ang mga suspek subalit hindi na sila naabutan. (LYKA MANALO)