Kumpleto na ang ipinatayong gusali ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na magsisilbing tahanan ng inabusong kababaihan at miyembro ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals and transgenders) community sa lungsod.

Sa Marso 15, kaarawan ng bise alkalde, bubuksan sa publiko ang unang one-stop-shop crisis center, ang QC Protection Center for Abuse Women and LGBT, sa siyudad.

Magbibigay din ang center ng libreng serbisyo medikal, legal services, police assistance, counseling at iba pang serbisyo para sa kababaihan at LGBT.

Dating isang maliit na silid lang sa loob ng Quezon City General Hospital, ang dalawang-palapag na bagong gusali ay matatagpuan na ngayon sa likod ng nabanggit na pagamutan. (Jun Fabon)

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026