MASAYA ang presscon ng PhilPop (Philippine Popular Music Festival) 2016 nang i-announce ang napiling 12 finalists mula sa mahigit na 2000 entries all over the Philippines. 

Napansin lamang na karamihan sa mga inilahok na awitin ay fast at danceable tunes. Inamin naman ni PhilPop Executive Director Ryan Cayabyab na 80 percent ng submitted songs ay upbeat, ilan lamang ang ballads.

May bagong tagline ang competition: “Loud, Proud, Ours”. 

Present sa announcement of finalists si Victoria P. Vargas, presidente ng PhilPop Foundation at head of PLDT Group Business Transformation Office.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, ayaw ng may kahati sa relasyon: 'Alam ko worth ko!'

Ang mananalo ay tatanggap ng one million pesos plus the PhilPop grand trophy.

After the announcement ng 12 finalists, nagkaalaman na kung sino ang gusto nilang mag-interpret ng kanilang songs. Si Aikee Aplacador ng Pabili Po, ang gusto ay si Davey Langit pero iyong rap part, gusto niya siya ang mag-perform dahil rapper siya; si Johann Garcia ng Binibini sa MRT, si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar; JC Jose for Stars Are Aligned since acapella ito, gusto niya ang Acapella Go; sina Jazz Nicolas at Wally Acolola ng ‘Di Na Muli, ang gusto ay si Kat Agarrado; Jeroel Maranan ng Sintunado, ang gusto, either si Sam Concepcion o si Darryl Espanto; Keiko Necessario ng Nobody But You, gusto si Sarah Geronimo, kaya biniro siya ng co-finalist na si Mike Villegas na inunahan niya ito sa pop princess.

Gusto naman ni Ramiru Mataro for Kahon, mataas ang boses like Steven Tyler dahil RnB rock ang kanyang kanta; si Joan Da for Baliw sa Ex-boyfriend Ko ay only choice ay si Yeng Constantino; ang kambal na sina Paolo at Miguel Guico ng Tinatangi, gusto si Ebe Dancel o si Johnoy Danao; si Karl Guarano ng Friday Night, gusto si Billy Crawford; sina Brian Cua at Mike Villegas ng Dumadagundong, Itchyworms sana, pero gusto rin nila si Sarah Geronimo.

Ayon kay Ms. Baby Gil ng Viva Entertainment, sila uli ang magpu-produce ng music videos at compilation ng songs ng 12 finalists. Pag-uusapan pa raw kung sino ang puwedeng mag-interpret ng songs. Iyon kasing gusto nilang mag-interpret ay may recording contract sa ibang recording companies.

In-announce na rin ng hosts, ang dating PhilPop finalists na sina Lara Maigue at Davey Langit, na ang grand finals ay gaganapin sa July 23 sa Kia Theatre in Araneta Center, Quezon City. (NORA CALDERON)